seya (missbubbletea) wrote in firgun,
seya
missbubbletea
firgun

  • Location:
  • Mood:
  • Music:

My Son is a Spaghetti

Title: My Son is a Spaghetti
Characters: Sehun, (YOU?)
Rating: PG
Genre: Fail Crack, Fail Humor, Basta Fail
Summary: Akala mo straight tapos pag pinakuluan malambot pala. Spaghetti pababa pababa ng pababa. Spaghetti pataas pataas ng pataas!


“Bye mommy!”

“Ok anak. Ingat ha! Huwang kang magpapagabi!”

“Opo. See you mom!”

Pinagmasdan ko ang likod ng aking almost 6 feet tall na anak habang sya at ang kanyang date ay naglalakad papunta sa kanilang sasakyan. Ang cute nilang tingnan habang ako proud na proud dahil finally… dalaga na ang aking unico hijo.

“Pag yang anak mo di na naman umuwi ha,” pabulong na sabi sa akin ng aking asawa. Sya’y papasok na sa loob ng bahay at ready na sigurong kumain ng tanghalian matapos magpaalam ang anak nya. Napailing na lang ako.

“Sus malaki na yang anak mo. Kaya na nya yan. At isa pa mabait na bata yang si Jongin. Baka nakakalimutan mo sa kabilang bahay lang sya nakatira.”

“Oo na. Oo na. Basta i-text mo yang si Sehun. Dapat bago mag-7 andito na sya.”
Hay. Overprotective na ama.

Lately lang naman nag-start lumabas labas ang aming anak. Siguro mga three months ago. Yung panahong alam na nya kung ano ba talaga sya. Nung nanganak kasi ako alam ko lalaki talaga anak ko pero habang lumalaki sya narealize ko (at nya) na ang aking anak ay isang babae na nakulong sa katawan ng isang lalaki. Walang problema sa akin yun pero medyo di tanggap ng ama ni Sehun na binabae ang anak nya noong una. At dahil kinausap ko sya ng masinsinan tungkol kay Sehun nang naglaon ay natanggap na rin nya kung ano ba talaga ang anak nya. Tingnan nyo nga kung pano nya i-treat si Sehun ngayon. Feeling nya mabubuntis ni Jongin si Sehun pag di sila umuwi ng maaga. Oh well. Di ko sya masisisi. Sya’y nag-iingat lamang naman hindi ba?

Pano ko na-realize na bading si Sehun? Mahabang kwento. Nag-umpisa ang aking pagsususpetsa nang sya ay mga grade 1.

Di ba madalas ang mga batang lalaking nasa edad nya kinahihiligan na agad ang mga baril-barilan, action figures at mga palabas sa TV na patungkol sa mga superheroes? Well, ibahin nyo ang aking anak.

Binilhan sya ng papa nya ng mga laruan isang araw at sa di kadahilanan disappointed sya sa kanyang mga nakita at tinanong ang ama nya kung meron ba syang biniling mga dolls. At dahil medyo tanga ang asawa ko akala nya mga action figures ang gusto ng anak nya. Kaya ng sumunod na araw may dala syang mga Superman, Ironman at kung ano ano pang may -man na laruan. Laking tuwa na nya nang makita nyang nakangiti si Sehun. Mission accomplished.

Kinagabihan ng araw ding yon, pinuntahan ko si Sehun sa kanyang kwarto bago sya matulog. At dahil tahimik inakala kong tulog na sya. Nagulat na lang ako nang makita ko si Sehun kinakausap ang kanyang mga laruan.

“Okay lang na di ako binilhan ni daddy ng Barbie at Bratz. Ang gwapo naman ni Superman. Sana magkaron din ako ng Superman pag laki ko.” Ang sabi ni Sehun, tuwang tuwa at kiniss ang kanyang mga laruan.

Doon, dahan-dahan kong sinara ang pinto at napabuntong hininga. Bata pa lang yan di pa nya alam ang ginagawa nya, nasa isip ko noon.

Hindi lang don natapos ang adventures ni baby. Nang pumasok sya ng grade 3 dun na medyo na-confirm ang aking pagsususpetsa.

Unang araw yata ng school noon, mga alas-sais ng umaga, naihanda ko na ang umagahan nya pati na rin ang mga gamit na gagamitin nya sa school. Nagtaka ako kung bakit wala pa ring Sehun na bumababa para kumain. Pagpasok ko sa kanyang kwarto nakita ko sya na nasa harapan ng salamin, sobrang abala sa paglalagay ng polbo (pressed powder ko pa ang gamit nya fyi) sa kanyang mukha.

“Sehun?” ang tanong ko sa kanya.

Sa sobrang gulat nya nabitawan nya ang lalagyan ng pressed powder ko (pano nya nakuha di ko alam). “Mommy! You scared me!” ang sabi nya.

“Kain ka na anak. Bakit di ka pa bumababa?” tanong ko.

Pinulot ni Sehun yung pressed powder saka nilagay sa study table nya, “Tapos na po akong mag-ayos mommy. Bababa na po ako.”

Pagbaba nya napabuntong hininga na naman ako dahil nang makita ko yung pressed powder ko… paubos na. Kaya pala ilang araw kong di makita yung Burberry kong pressed powder. Muntik na ata akong maiyak. Gift kasi sa akin yun ng daddy nya.

Marami pang mga nangyari pagkatapos non. Mga naging kaibigan nya puro babae. Akala ng daddy nya mga chicks nya. Pero napansin kong parang Sehun’s one of them. Alam mo yun. Mga pinag-uusapan nila mga lalaki. Di ko alam kung tama ang pagkarinig ko sa isa sa mga usapan nila pero narinig kong inaasar nung isa nyang kaibigan si Sehun sa isang lalaking nagngangalang Kim Jongin. Well, alam nyo na siguro kung sino sya ngayon.

At yun nga. Dumating na ang araw ng confrontation.

Naghahanda kaming dalawa ng dinner nang bigla nyang natanong sa akin ang isang tanong na talaga namang kabigay-bigay at nakakagulantang.

“Mommy bakit di ako nireregla?”

Malamang ay di ko nasagot yun ng maayos. Ni hindi ko alam kung seryoso bang tanong iyon or jinojoke time lang ako ng anak ko. Nang hindi ko masagot ang tanong nya, tinuloy nya.

“Kasi my friends are all like ‘Sorry friend I’m on my period hang out na lang tayo next time’ whenever I ask them to go to the mall. Then there’s me stuck in the house tuloy. Kelan po ba ako rereglahin?”

“Anak… bading ka ba?”

“Mommy!!! Hindi ako bading!!”

“Eh bakit-”

“Babae po ako mommy! Gosh nakaka-insult yang sinabi mo mommy ha. Akala ko rin talaga nung una bading ako but no! I’m a woman stuck inside a body of a man!”

“Isn’t that the same thing?”

“Of course not mommy! Basta I’m a woman like you! Do you hate me now, mommy?”

Syempre bakit ko naman magiging hate ang anak ko. Sa akin sya nanggaling. “Anak, kahit ano ka pa love na love ka ni mommy. Bakit di mo agad sinabi sa akin?”

Napa-pout sya ng pagka-cute cute. “Kasi narinig ko kayo ni daddy minsan sabi nyo proud na proud kayo sa baby boy nyo eh hindi naman po ako boy.”

“Hayyy.. Ikaw talaga. Paano naman namin di malalaman na di ka pala boy eh di mo sinasabi sa amin?”

“Sorry mommy.”

Nginitian ko ang aking anak sabay hug. Hay, ganito pala feeling ng may dalaga.

“Mommy akin na lang yung red lipstick mo ha? I want to look like Maria Mercedes!”

Ay jusko.



A/N: Den, natapos ko rin. Di ko to inaasahan. Promise. Please, wag mo akong i-unfriend.

Tags: character: sehun, rating: pg
  • Post a new comment

    Error

    Anonymous comments are disabled in this journal

    default userpic

    Your IP address will be recorded 

  • 2 comments